Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang 12 taon ng tapat na paglilingkod at pagtataguyod sa industriya ng hibla ng Pilipinas! 



Mula 2013, ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) ay naging katuwang ng mga magsasaka, artisan, at komunidad sa pagsusulong ng likas-kayang kaunlaran, inobasyon, at pag-unlad sa sektor ng hibla.
Patuloy naming hahabiin ang mga inisyatiba, programa, at serbisyong makabuluhan, kasama kayo sa bawat hakbang. Maraming salamat sa inyong suporta at tiwala. Sa PhilFIDA, kayo ang inspirasyon. 

