Matagumpay na isinagawa ng Albay’s Finest Abaca Fiber Association (AFAFA) Inc. ang kanilang unang pagsasanay at seminar na may temang “Revitalizing Abaca in Albay” noong Enero 16, 2026 sa Brgy. Danao, Polangui, Albay. Sa pakikipagtulungan sa ADFadAC, Albay Provincial Agriculture Office, PhilFIDA Region V, at NGO Isang Bansang Pilipino, nakilahok ang 45 na mga magsasaka ng abaka at niyog upang matutunan ang Good Agricultural Practices (GAP) at mga paraan upang mapataas ang kalidad at ani ng abaka.
Ang presensya ng PhilFIDA Region V ay nagpapatibay sa aming pangako sa suporta sa AFAFA at sa pagpapaunlad ng industriya ng abaka sa Albay. Ang aktibidad na ito ay nagbabadya ng magandang simula para sa samahan at nagpapakita ng matibay na pagtutulungan ng iba’t ibang stakeholder para sa muling pagsigla ng abaka sa probinsya.
