Patuloy ang mabilis na aksyon ng PhilFIDA sa pangunguna ng PhilFIDA Regional Office V kasama si OIC-Regional Director Mary Anne R. Molina, matapos ang matinding pinsalang idinulot ng Super Typhoon Uwan sa mga mag-aabaka sa Caramoran. Namahagi ang PhilFIDA Region V ng planting materials at mahahalagang farm tools tulad ng asarol, pala, at digging bars sa mga magsasaka ng Tubli at Sabangan na lubhang naapektuhan.
Kasunod ito ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Brgy. Tubli noong Nobyembre 13, kung saan personal niyang pinakinggan ang hinaing ng mga magsasaka tungkol sa pagkasira ng kanilang mga taniman at ang kanilang agarang pangangailangan. Bilang tugon, agad na naghatid ang PhilFIDA Region V ng kinakailangang planting materials at karagdagang farm tools upang matulungan ang mga magsasaka na makapagsimulang muli.
Patuloy na naninindigan ang PhilFIDA sa pamumuno ni Executive Director Arnold “Ali” I. Atienza sa misyon nitong tulungan ang ating mga mag-aabaka—lalo na sa panahong sila ay muling bumabangon mula sa kalamidad.
