Patuloy ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) Region V sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga abaca farmers sa pamamagitan ng Training on Abaca Pest and Disease Management na isinagawa noong Oktubre 21, 2025 sa Brgy. Sua-Igot, Tabaco City. Pinangunahan ito ng PhilFIDA Albay Provincial Office sa pamumuno nina Engr. Brent Baltzar R. Marbella at Engr. Jason G. Regalado. Layunin ng aktibidad na tulungan ang mga magsasaka na maiwasan at mapigilan ang pagkalat ng mga sakit sa abaca alinsunod sa Abaca Disease Management Protocol (ADMP) ng PhilFIDA.
 
Sa pagsasanay, itinuro ang tamang pagkilala sa mga sintomas ng sakit, wastong paggamit ng herbicides at insecticides, at ang stick method bilang epektibong paraan ng eradikasyon ng mga apektadong halaman. Namahagi rin ang PhilFIDA ng knapsack sprayers, insecticides, at herbicides upang matulungan ang mga magsasaka sa pagpapatupad ng mga hakbang sa field sanitation at pest control. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PhilFIDA na mapanatiling malusog at produktibo ang mga taniman ng abaca sa rehiyon ng Bikol.
 
PhilFIDA V, Nagsagawa ng Pagsasanay sa Abaca Pest and Disease Management sa Tabaco City 1
PhilFIDA V, Nagsagawa ng Pagsasanay sa Abaca Pest and Disease Management sa Tabaco City 2
PhilFIDA V, Nagsagawa ng Pagsasanay sa Abaca Pest and Disease Management sa Tabaco City 3
PhilFIDA V, Nagsagawa ng Pagsasanay sa Abaca Pest and Disease Management sa Tabaco City 4