Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang pagpapaunlad ng kabuhayan gamit ang likas-yamang Pilipino, at sa pamumuno ni PhilFIDA Executive Director Ali Atienza, pinangunahan ng PhilFIDA Region VI ang pagsasagawa ng 2-day Skills Training on Abaca Bag Making noong Setyembre 24–25, 2025 sa Brgy. Napuid, Pandan, Antique.
