Noong Agosto 13–14, 2025, matagumpay na isinagawa ng PhilFIDA Regional Office IX at PhilFIDA-FUTD ang Capability Building on the Operation and Maintenance of Hot Roll Laminator for Water Hyacinth Stalk-Based Products sa PhilFIDA Water Hyacinth Processing Center, Rosary Heights, Cotabato City.
 
Ang pagsasanay ay dinaluhan ng 20 myembro mula sa Rio Grande Pusaw Handicraft Association at Women’s Rural Improvement Club Improvement Consumers Cooperative. Kabilang din sa mga dumalo ay ang mga kinatawan ng Alkalde ng Cotabato City at PhilFIDA RO IX.
 
Ang paggamit ng lamination sa mga produktong yari sa water hyacinth ay isang bagong pamamaraan upang mapaganda, mapatibay, at mapahaba ang buhay ng water hycinth leatherized sheet na pangunahing materyales para sa paggawa ng iba’t ibang handicrafts tulad ng wallet, gift bag, wine holder, book cover, wall cover, at marami pang iba.
 
Ang PhilFIDA ay taos pusong nagpapasalamat sa suporta at inisyatibo ng bawat staff na nasa likod upang maging matagumpay ang naturang pagsasanay.
 
Pagsasanay para sa Mas Matibay at Mas Magandang Water Hyacinth Products 1
Pagsasanay para sa Mas Matibay at Mas Magandang Water Hyacinth Products 2
Pagsasanay para sa Mas Matibay at Mas Magandang Water Hyacinth Products 3
Pagsasanay para sa Mas Matibay at Mas Magandang Water Hyacinth Products 4